it's CRAZY to be SANE.

Xoxo, Karen

7.24.2006

NO CLASSES TOMORROW!! ;-)
Umiral nanaman ang pagkatamad ko. Nang malaman kong walang pasok bukas, hindi ko na tinapos yung kailangang ipasa bukas sa pharma. Haha. Ewan ko ba. Nakakatamad talaga. Umuulan pa. Ang sarap matulog. Kumain. Mag relax. Mag muni-muni. Tumulala. Manuod ng TV. Makinig sa iPod. Magtext ng sandamakmak. Mag blog. Mag multiply. Mag friendster. Haha. Na-miss ko talaga and mamuhay ng ganito. Haha. Wala lang.

Nagiging iritable nanaman ako. Hay. PMS ba ito? Haha.

Lumalakas nako kumain. Salamat. Haha. Napapansin kong marami nakong nauubos na kanin. Salamat talaga. Dati-rati, hanggang kalahating kanin lang ang nakakaya ko, ngayon, aba, grabe na. Haha. Nakakaimpluwensiya talaga ang mga nakakasama mo sa hapag-kainan. Haha. Mas ganado akong kumain ngayon kesa dati. Seryoso. Haha. Salamat sa mga taong nag impluwensya sakin. Salamat talaga.

Nag-yYM ako ngayon. Napatunayan kong "season of breakup" talaga. Natuklasan kong may naghiwalay nanamang magkasintahan. Hay nako talaga. Ganito ba talaga?? Nakakasawa na. Mga kakilala ko pa. Mga malalapit sa akin. Hay. Nakakalungkot. Nakakadismaya. Sinu-sino na ang mga susunod? Sana wala na. Tama na mga hiwalayan. Tama na. Masyado ng maraming sawi sa pag-ibig ngayon.

Nagttext din ako ngayon. Masasabi kong may "constant textmates" ako. Haha. Buti nalang andyan yung mga taong nagbibigay buhay sa tulog kong telepono. Haha. Hindi ko masyadong napapansing mag-isa na talaga ako ngayon. Kasi andyan pa mga taong nakakaalala sa akin. Alam niyo na kung sinu-sino kayo, SALAMAT talaga. Salamat din sa pagbibigay ng mga ideya kung ano ba dapat kong gawin ngayon. Gusto ko man maniwala sa inyo, di ko parin kayang gawin yan ngayon. Kasi may tiwala parin ako sa kanya at sa mga sinasabi niya sakin. Kaya pasensya na talaga kung napaka tigas ng ulo ko nanaman. Haha.

Ang lamig ng panahaon ngayon. Pati ibang tao, napakalamig din. Ewan ko ba. Sadyang ganito talaga ang buhay. Haha. Masarap din balikan ang mga masasaya at mapapait na mga alaala pag ganito ang panahon. Para bang makapag-iisip ka talaga ng maayos. Maiisip mo ang mga nagawa mo para sa taong mahal mo. Mga planong hindi natuloy. Mga surpresang hindi man lang nagawa. Mga gustong sabihin na hindi na nasabi dahil wala ng oras o huli na ang lahat. Mga gustong gawin pero hindi na umabot. Mga pagkukulang mo sa taong mahal mo. Bakit ganito? Lahat ata pagsisisi. Naisip ko din na dapat isipin din natin ang mga masasayang parte ng pag-iibigan. Hindi lang yung mga malulungkot. Nakakataba ng puso pag naaala kong nagawa niya ang lahat ng yun para sa akin. Nadama ko talaga ang pagmamahal niya. Pero ewan ko ba sakin. Bakit ako naging ganon sakanya. Pero nga, gaya ng sabi ng aking butihing kaibigang si Clarabelle, "it takes two to tango." May mga pagkukulang din siya. May mga pagkakamali. May mga kalokohan. Pero naisip ko, bakit lahat ng yun pinalampas ko? Tapos yung ako na, para bang napakasama ko ng tao. Hay. Napaka emosyonal ko na ata. Hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili na maging ganito paminsan-minsan. madalas. parati. Haha. At pansin niyo ba, Tagalog to? Haha. Wala lang. Mas masarap kasi sabihin ang mga nararamdam ko pag Tagalog. Haha. Yun lang.

Gusto kong tanggalin sa kalendaryo ang Hunyo 9. Wala lang. Gusto ko lang sabihin.

Hanggang sa muli!

+ karen +

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home